Loading...

Download
  • Genre:Hip Hop & Rap
  • Year of Release:2023

Lyrics

Hayina halina humila ng batang pumepera

Halika kumita sa paghila ng kapwa

Mali ka sumama sa grupo ng mga talangka sagwan at sumalok sa bangka

Utos ng Batang matanda

Kumuda ang nauna


Bakit tumatawa ka este kayo

Kilala niyo na ba kami ako

Naka balatkayo


Tinuturing sa ibayo sampu nakamaskara

Talikod sabay puna, bigla, naloko na

Anak ng tupa, silang nauuna,

Pastol na bulag ang mata


BATA!


Ulila na alila mga barang inaliping sinauna at sino nauna


Tapos nakapos ang posas na panghuli mga bagong mala rosas ang dala

Kumalas ng marahas mga bago taliwas


Ngalan na maangas inaahas malakas

Tituladong bastos, sila daw ang mga tunay

Hiwalay ang mga pekeng naghihikahos


Araw ng Ahas at Leon

Ihanda ang mga kanyon

Ilabas ang bala na hatol sa disisyon

Komosyon sa negatibong apoy,


Ito'y pagaapula

Boy tumahan kana andito na

Mga kapwa mo palaboy


Itaboy, katayin nagbababoy

Puuuuuuutak ka ng putak

Pumapatak palang naman ang araw

Meron o wala sugal na ekis mapapala


Mag ingat ka sa magbibitaw

Baka tumama ang halang na tari hindi siya di ikaw

Pinatay ko mga ilaw Sa kristo tinutok ang sigaw


Hayina halina humila ng batang pumepera

Halika kumita sa paghila ng kapwa

Mali ka sumama sa grupo ng mga talangka sagwan at sumalok sa bangka,

Utos ng batang matanda kumuda ang nauna


Sino kaba doon

Wag kana doon

Wag na makisalok sa kanyang balon

Bat mayroong galon

Silang bumaon

Bakit gusto mo na ikaw tong ahon

Hayinang gutom

Mistulang hukom

Lakas humusga ng ibang pasulong

Hilig bumulong

Takip na sarong

Sa hawla dapat ipiit ikulong


Hanapin ang mga mali sa mga tama nilang ginawa

Piliin ang mga bali malait lang ang galaw ng kabila

Hindi daw sya bihasa, boy tingin mo di paba halata?

Gusto mo lang sakmalin tong dagit nila bantay salakay para kang linta


Usapang reyalidad

Hindi sila ang tamad

Animo'y bata kang galing sa labas

Uhaw sa inggit dahil silang bayad

Ikaw tong gusto ng katas

Ayaw ng may pataas

Gusto mong ikaw ang pahirap sa paangat para bang daan lang to sa baras


Malinaw na nakasaad, dalawamput tatlo sa kawikaan

Di mabuting manghila ka brad di to matuwid ito'y maling daan

Parang balitaan, gusto ng hilaan, ayaw kaliwaan,

Muka kakapalan gusto lang na humango ng mga damit kahit wala naman sya nung nagpigaan


Hayina halina humila ng batang pumepera

Halika kumita sa paghila ng kapwa

Mali ka sumama sa grupo ng mga talangka

Sagwan at sumalok sa bangka

Utos ng batang matanda kumuda ang nauna


Dami ng hayina sa eksena kung saan maraming pumepera

Halika na sumama sa grupo ng mga leon sa ngayon lumingon

Panahong mag-igib sa balon

Gustong respeto akda ko puro na nihonggo dami padeng tsonggo


Sa perya ng mga talangka na nauuna dami ng kumukuda

Mga halang sige halak tumalak ka

Hanggang dumahak


Teka lang hala lumunok ka mabulunan mabigla ka nalang pagingat sa gayak

Pagpapaunlak sa pagitan ng bangin at bulaklak na tinulak

Binulatlat ko ang mga nalalabi na mga pahina, binasang kumakapa


Isa din palang kawatan

Pulitikong bihasa sa nakawan

Inagaw mo lang ang karapatang sila dapat umaani ng palayan


Daming sinasabi di matikom

Bibig ang dadale lunod at purong

Negatibong pagpuna na para bang sumali ka sa laban ng mga kanta

Tapos hindi ka marunong


Bakit ganid ka dyan

Takot ka ata na mawalan

Akala mo'y ayos lang

Gigil to umayos ka

Pare angas ba?

Tinignan kita ramdam na ramdam ko na may galit sayo

At sa mga mata kitang kita repa mayroon

Ka pala na taglay na inggit ganyan din ba ang tingin ng HAYINA!


Hayina halina humila ng batang pumepera

Halika kumita sa paghila ng kapwa

Mali ka sumama sa grupo ng mga talangka

Sagwan at sumalok sa bangka

Utos ng batang matanda kumuda ang nauna

+

      -   or   -

      -   or   -

      NG +234

          Please Select A Playlist

          Add New Playlist

          Share on

          Embed: Love & Light EP

          Custom Size :

          • Default
          • Desktop(300*600)
          • Mobile(300*250)

          Type :

          • HTML/HTML5 (WordPress Supported)
          Get Boomplay Premium
          for
          Payment Method
          Pay With
            Review and pay
            Order Date
            Payment Method
            Due Today
            Flutterwave
              Subscription Successful

              Congratulations! You have successfully activated Boomplay 1 Month Premium.

              Now you have access to all the features of Boomplay App.
              Payment Failed

              Please check your balance and then try again.

              You'll lose your subscription if we don't have a working payment method for your account, so please check your payment details.
              Need help? Contact Boomplay Subscription Support.
              Payment Processing...
              10 s

              Payment is being processed by . Please wait while the order is being comfirmed.

              Payment Processing
              Your order is processing, and it may take up to a few days for the service provider to handle your payment. Please kindly stay tuned and check your order status in ‘User Center’.
              About Order Status