DougBrockTV 32 Bars Challenge Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Tumahimik sa di kilala
Bagsakang tikatik tiyak babaha
Titik sa letra pitik sa mata
Mabalasik sa bara
Makatang saltik pumuna
Lahat humilik sapak sa mukha
Kalat nadinig batak balisa
Dapat lutuing mabuti bago mo mahain
Putaheng pang hari tiyak mamahalin
Panauhin hangarin palarin sumamang kumain
Marapat sikatin ang tala sikapin...
Salamin na kalaban lapain
Ostia ni dante lamunin
Tuba ipapasang inumin
Alahanin kung sinong may plakang pula sa musikang bulok ikaingin
Mga alagang nasa lilim ng baba
Mga bugang dragon kapag lahat to ay napisa
At hindi ito laman ito'y mekanikal
Kung sa bara lahat ililiteral
Pinilit magbungkal
Nung animal
Akalain mo nahukay mo tong lalim na ganito?
Nakikita mo yung mga bangkay doon sa may ginto
Lapida na may pinto
Pitong selyong may dugo
Wasakin mong isa-isa wag kang tatanga-tanga
Sirena sa trumpeta ang lathala kong dala
Kaso mga ignorante lang lahat natulala
Yung mga ulong yumuyugyug
Tiyak nakatok na iyung niyog
Puro at hubog at sa rurok matubog
Triangulong mata
Ayoko na sanang sabihin pa
Kaso nakakatawa
Dami na ngayon na mga bobo na nagbibida
Ako'y Pang apat na kabayong maputla
Sakay sa blangko na mukha
Karit ko sa likuran
Di mo maaninag kasi di mo alam yung daan
Ako ay medisina pang patak sa catarata ng lahat
Pakinggan mo ng mabuti dadahak sa kawalan
Opps betta madafaking run boy
Usain bolt or drop gonna choppa on yo block boy
Got a crew of intellectual killahs and we flock boy
Hannibal lecter on our minds and you lame as fuck boy