- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2023
Lyrics
Malalim na bangin may salamin
Sa ilalim madilim tatawagin ang sarile pag gipit
Kaso pag nawawala kana hanapin mo aking kamay
Ito'y gabay mong ituring sa paglalakbay
Magtipon mga bata istoryang kwentong lola basyang
De kalidad aking aral sa edad
Ito'y reyalidad sa paglakad ng makupad na tamad
Ika'y kapasidad sa seguridad mong hinahangad
Tignan mo lang palagi aking orasan
Wag kang kukurap baka malipasan ng sarap
Sa huli mo malalasap kagutoman na hindi inaasam
At alam mo ba? Di pa yan ang pinakamahirap sa lahat
Pag may bata kang kasama kanyang tiyan kumakalam
Malalaman mo na ang mundo di umiikot sayo
Nasa guhit ng kamay ang gabay at patnubay laging ilagay
Malalim na bangin may salamin
Sa ilalim madilim tatawagin ang sarile pag gipit
Kaso pag nawawala kana hanapin mo aking kamay
Ito'y gabay mong ituring sa paglalakbay
Akin itong babalikan
Kamalian ay palagi kong hahalikan
Ang paa ng aking diyos ama
Sa taas na tinuring ko na may kapal
Natural lahat tayo dapat lumugar
Kasi nga
Wala tayo na madadala
Madadala ka lang
Pag dumating na yung araw ng husga
May telebisyon na dito sa baba
Lahat ng sungay sa lupa tingala
Abang sa bawat kilos at galaw
Ng Komedyanteng magnanakaw nakamaskara
Mayroon ding may chapang uniporme na may kamera
Makikita mo sila lahat
Nalulunod sa dagat dagatan na apoy
Nasunog nangamoy
Kaya bago lumangoy
Matukoy at Magbago kana boy
Hindi biro sa baba itong pula na kumonoy
Ignoranteng kasalanan itaboy
Sinasabe at sinisigaw na tama na yang salita na HOY
Malalim na bangin may salamin
Sa ilalim madilim tatawagin ang sarile pag gipit
Kaso pag nawawala kana hanapin mo aking kamay
Ito'y gabay mong ituring sa paglalakbay