Lumos ft. Happy Three Friends & Alone - T Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2023
Lyrics
Matagal na kong wala sa sarili
Nababaliw na ba? Nababaliw na nga!
Sawa na sa lahat ng mga nangyayari
Gusto ko lang huminga kahit sandali
Ano ba ang dapat kong gawin? Nakakalito
Palaging may tanong sa isipan ko, palaging magulo
Hinahanap ko ang aking sarili
Hindi matagpuan, hindi alam kung san
Sawa na sa lahat ng mga nangyayari
Pwede ba'ng huminga kahit sandali?
Gusto ko nalang lumagay sa tahimik, magkulong
Akala nalulong, 'di nila alam maraming nabulong
Minsan masaya, minsa'y 'di ko na alam ang gagawin
Minsa'y nakangiti, minsan ayoko na lamang magising
Lumiliwanag
Dumidilim
Sa mga tala
Humihiling
Lumiliwanag
Dumidilim
Sa mga tala
Humihiling
Kapansanan ba ang sobrang mag-isip sa kahilingan
Nais lang katahimikan, ba't pa ba pagdadaanan?
Puro ingay lang naman dumadaloy sa may isipan
Na pag ginawa mo ay kailangan mo pa paghirapan
Mga ingay sa isipan na pwedeng gawing tula para makatapik at makaunawa
Mga damdamin na nakakulong pag 'di nilabas ito ay bubuo ng pwersa
Pwersa para makabuo ng gera sa loob ng puso't isipan
Kumawala na para mawala na ang bigat na dala ng aking lihim
Gusto ko nalang lumagay sa tahimik, magkulong
Akala nalulong, 'di nila alam maraming nabulong
Minsa'y masaya, minsan 'di ko na alam ang gagawin
Minsa'y nakangiti, minsan ayoko na lamang magising
Lumiliwanag
Dumidilim
Sa mga tala
Humihiling
Lumiliwanag (Bakit gan'to? Bakit gano'n? Bakit gan'yan? Bakit ba napakaraming pinagdadaanan?)
Dumidilim (Bakit gan'to? Bakit gano'n? Bakit gan'yan? Bakit ba napakaraming pinagdadaanan?)
Sa mga tala (Bakit gan'to? Bakit gano'n? Bakit gan'yan? Bakit ba napakaraming pinagdadaanan?)
Humihiling (Bakit gan'to? Bakit gano'n? Bakit gan'yan? Sana nga magbago na ang kapalaran)
Kapansanan ba ang sobrang mag-isip sa kahilingan
Nais lang katahimikan, ba't pa ba pagdadaanan?
Puro ingay lang naman dumadaloy sa may isipan
Na pag ginawa mo ay kailangan mo pa paghirapan