LQ Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2023
Lyrics
Magulo na 'tong mundo
Ikaw pa rin nasa isip ko
Patuloy paring nabibighani
Kahit laging away at bati
Madalas 'di na nakangiti
Ikaw at ikaw pa rin lagi ang pipiliin
Dati magkatawagan hanggang umaga
Kahit na mapuyat ay 'di alintana
Hatid sundo ka pa sa bahay niyo
Ubos na ang allowance ko
Naaalala mo pa ba lahat ng 'to?
Tumatambay pa tayo noon sa MOA
Bibili ng ice cream tapos sa seaside tutunganga
Magka-holding hands pa tayo no'n
Tandang-tanda ko 'yon
Naaalala mo pa ba lahat ng 'to?
Ngunit sa paglipas ng panahon
Parang aso at pusa na tayo ngayon
Simpleng bagay ay pagtatalunan pa
Hanggang kailan ka ba magsasawa?
Magulo na 'tong mundo
Ikaw pa rin nasa isip ko
Patuloy paring nabibighani
Kahit laging away at bati
Madalas 'di na nakangiti
Ikaw at ikaw pa rin lagi ang pipiliin
Ang pipiliin
Ang pipiliin
Ang pipiliin
Mag-aaway, magtatalo ta's magtatampo
'Di titigil kahit na walang mananalo
Iiyak, magmumukmok, patatawarin ko
"Sorry" raw ta's sasabihin kasalanan ko
Mag-aaway, magtatalo ta's magtatampo
'Di titigil kahit na walang mananalo
Iiyak, magmumukmok, patatawarin ko
"Sorry" raw ta's sasabihin kasalanan ko
Magulo na 'tong mundo
Ikaw pa rin nasa isip ko
Patuloy paring nabibighani
Kahit laging away at bati
Madalas 'di na nakangiti
Ikaw at ikaw pa rin lagi ang pipiliin
Ang pipiliin
Ang pipiliin
Ang pipiliin