![Mahou Shoujo](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/08/10/85a20606142d4aef8bf2d0d8688f92a3_464_464.jpg)
Mahou Shoujo Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2023
Lyrics
Nung unang beses ka pa lamang na makita
Binihag nang husto ang puso at ang aking bulsa
Kahit marami sayo'y nagwalang bahala
Ikaw ang nais, sa iyo lamang ako pupusta
O aking sinta,
Ano ba'ng meron bakit kay ganda mo ipininta?
Kahit mag-iba
Handa nang lumipad para sa'yo
Kahit na ilang beses pa, makita ka na magpalit anyo, pag-ibig ko'y 'di magbabago
Sa loob ng iyong mga mata nasulyapan ang kulay ng mundo, pag-ibig ko'y 'di magbabago
Ating pag-ibig ay sadyang matalinhaga
Kahit anong gawin, hindi mabali aking tingin
Magiging monghe gumanda lang aking karma
Handang sumisid kahit pa kasama mga pating
O aking sinta,
Ano ba'ng meron bakit kay ganda mo ipininta?
Kahit mag-iba
Handa nang lumipad para sa'yo
Kahit na ilang beses pa, makita ka na magpalit anyo, pag-ibig ko'y 'di magbabago
Sa loob ng iyong mga mata nasulyapan ang kulay ng mundo, pag-ibig ko'y 'di magbabago
At kung sakali na
Sabihin man nilang ako'y nababaliw
Sa tuwing ikaw ay makikitang nariyan
Sa aking paningin, nag-iisang gamot
Sa tuwing ako'y nalulungkot