![Akoima](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/08/10/85a20606142d4aef8bf2d0d8688f92a3_464_464.jpg)
Akoima Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2023
Lyrics
Ako'y malungkot
Walang katapusang problema ng mundo
Sinubukan ko naman pero kulang pa ako
Sa'yo, sa'yo
Ako ay sumugal
Tumaya, namuhunan pero olats lang lahat
Kahit pamato't panabla'y binuhos kong sagad
Salamat sa lahat
Ngunit
'Di ko titigilan
Hanggang sa aking mahawakan
Ako'y maglalakbay hanggang sa kawalan
Hindi susuko kahit na nasasaktan
Itutuloy kahit mahirap ang daanan
Dahil ako'y malaya na
Ako ay masama
'Yan ang sabi sa akin ng mga mapanghusga
Kahit siraan nila, 'di tayo tutumba
Mapapagod lang sila
(Mapapagod lang sila)
Sa tuwing pinipigilan
Lalo lang ginaganahan
'Di ko titigilan
Hanggang sa aking mahawakan
Ako'y maglalakbay hanggang sa kawalan
Hindi susuko kahit na nasasaktan
Itutuloy kahit mahirap ang daanan
Dahil ako'y malaya na
Titigil ang luha pagtila ng ulan
Lililim at liwanag ay makakamtan
Itutuloy kahit mahirap ang daanan
Dahil ako'y malaya na
Ako ay masaya
Sa likod ng lahat ng lungkot na nadama
Malaki man ang alon kasunod nama'y bula
Lahat ay nawala
Ako'y maglalakbay hanggang sa kawalan
Hindi susuko kahit na nasasaktan
Itutuloy kahit mahirap ang daanan
Dahil ako'y malaya na
Titigil ang luha pagtila ng ulan
Lililim at liwanag ay makakamtan
Itutuloy kahit mahirap ang daanan
Dahil ako'y malaya na