Baka Ako Ay Mapanis Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2021
Lyrics
Ang tatay ko ay nagtataka sa aking pagbabago
Anong nangyari ako ba ay naloko
Pangiti-ngiti sa aking pag-iisa
Maya't maya biglang natatawa
Dahil sa iyo ako ay nagbago
Bumili ng tootbrush na bago
Araw araw ng naliligo
Upang maimpress kitang lalo
Totoong ako ay pilit nagbago
Deodorant kahit wala sa budget ko
Ang uhog ko na dati'y naglimbitin
Nalinis na rin tutuling pilit ipunin
Pansinin mo naman ako please
Baka ako ay mapanis
Pansinin mo naman ako oh please
Pose kong pinipilit pinapraktis
Ako ay nababaliw sa ngiti mong minsan
Halos maihi sa kinatatayuan
Pinipigilan ko na rin mautot
Pati na rin sa pwet pagkamot
Pansinin mo naman ako oh please
Ang dibdib ko ay naninikip
Sa damdamin kong kinikipkip
Ayan tigyawat dumadami na iyong dulot
Tinitiris ko na ng parang mga surot
Ayan tigyawat dumadami na iyong dulot
Tinitiris ko na ng parang mga surot
Pansinin mo naman ako please
Baka ako ay mapanis
Pansinin mo naman ako oh please
Pose kong pinipilit pinapraktis