Intrigera Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2021
Lyrics
Lahat ay napansin
Matang nakatingin
Sa labing nakanguso
Iba ang tinuturo
Buhay ko ay ganyan
Kwento ko'y pakinggan
Sa iyong likod
Buhay mo'y sinuyod
Intrigerang pasaway
Dulot mo'y gulo at away
Lason mong laway
Sa buhay na walang malay
Intrigerang pasaway
Dulot mo'y gulo at away
Lason mong laway
Sa buhay na walang malay
Utak ko ay kulot
Isip na baluktok
Ako ay masaya
Sa kwentong madaya
Puno ng sakit
Salita mong ginamit
Basta makasalita
Buhay mong sinira
Intrigerang pasaway
Dulot mo'y gulo at away
Lason mong laway
Sa buhay na walang malay
Intrigerang pasaway
Huwag mong tularan
Intrigerang pasaway
Iyo nang tigilan
Iyo nang tigilan
Iyo nang tigilan
Intrigerang pasaway
Intrigerang pasaway
Intrigerang pasaway