Pighati Ng Langit Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2021
Lyrics
Bubuhos at luluha ang langit
Sapagkat dama nito ang sakit
Ating paligid dating dalisay
Ginagawa nating walang saysay
Puno ng pighati ang mga lawa
Panaghoy nitong sigaw ng awa
Abot dumi na siyang palibot
Bawat araw nating pagkalimot
Sige langit ibuhos mo ang iyong pighati
Kung kami ay magising sa aming pagkakamali
Sige langit ibuhos mo ang iyong pighati
Baka kami ay magising na kahit ilang sandali
Tila wala ng tala ang langit
Takip sa damdamin mong inukit
Hindi na makita ang liwanag
Na pinilit kong maaninag
Bubuhos at luluha ang langit
Sapagkat dama nito ang sakit
Ating paligid dating dalisay
Ginagawa nating walang saysay
Mawawala din ba ang mga parang
Guba't karagatan at mga ilang
Sa ating tuloy na kagahaman
Na isa rin naming kamangmangan
Sige langit ibuhos mo ang iyong pighati
Kung kami ay magising sa aming pagkakamali
Sige langit ibuhos mo ang iyong pighati
Baka kami ay magising na kahit ilang sandali