Parthenon Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2022
Lyrics
Saan, Saan patungo ang kalsada?
Walang direksyon naliligaw na nga ako
'Di makita sa mapa ng palad mo
Nakasulat ba ito sa 'yong noo
Nakita na ba?
(Saan ka papunta)
Bakit mag-isa?
(Lahat naman diba)
Daan-daang pangalan nakilala
Walang nakakaalam ng destinasyon
Mga karatula ang gabay mo
Mga pahiwatig letra't numero
Nakita na ba?
(Saan ka papunta)
Bakit mag-isa?
(Lahat naman diba)
Sa pagtawid pa ba masasagot?
Kung bakit, pano, sino at ano
Nakita na ba?
(Saan ka papunta)
Bakit mag-isa?
(Lahat naman diba)