Dukkha Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2022
Lyrics
Gumising ka pansin mo ba
Ang mga pagkakaiba
Sa mundo na ginagalawan mo
Landas nga ba ay iisa
Saplot nitong mga paa
Magkaibang sapatos ang suot
Batid mo ba
Tangis nila
Idilat ang 'yong mga mata
Tignan sa puso't isip mo
Kung may natitirang konsensya
Gumising ka pansin mo ba
Bulok na mga sistema
Ilalim ay lalong lumulubog
Butas na ang yaring bulsa
Isang kahig isang tuka
Kalyado naman mga kamay mo
Batid mo ba
Tangis nila
Idilat ang 'yong mga mata
Buksan ang mga palad mo
Baka hawak mo ang hustisya
Hanggang kailan kaya masisiil ang mga nalugmok na sa laylayan?