Loading...

Download
  • Genre:Hip Hop & Rap
  • Year of Release:2021

Lyrics

Nasubukan mo na ba

Mag lakad mag isa

Nakayapak mga paa

Sa madilim, na kalsada

Sarili mo lang ang dala't

Punong-puno ka ng kaba

Walang pikitan ang mata

Sa madilim, na kalsada


Kumusta ka na, anong balita

Halik ka dito sakin lapit ng makita

Amoy ang takot, kaba at pang-hihina

Inggit, galit, lasa ng mapait na luha

Kumusta ka na, anong balita

May tira ka pa ba na maibababa

Pwes kung wala - akin na ang baraha

Kasamang kukunin kaluluwa't diwa


Di magka timbang, ang bigat ng

Papel ng ating mga sulat

Dugo ang tinta ng panulat

Sawsawan aking mga sugat

Mga banat lampas sa marka yung taas

Antas at lalim ng sukat

Mula sa ibabaw ng ulap

Pababa sa ugat ng mga puno sa gubat

Higanteng tanim, aakyatin

Hadlang si Goliath ako si David

Aking buslo'y, pupunuin

Ng gintong itlog kapatid - dahil

Pinandilig sa pananim

Sariling pawis at dugo

Sa kaka sunog kilay

Nag liyab buong bungo

Bawat tugmaan at sukat ng linya,

Aral, mala arkitekt to

Burado yung labis na sulat ng lapis

Dapat yung guhit at tulis ng hugis

Palaging sakto, sa punto mismo

Ginamit compass yung oras patungo

Sa malayong ibayo pa'ko dumayo

Wassup - batang Yasap

Pilapil, Primero de Mayo

Sa kabit-kabilaang tinambayang kanto

Hanggang mapadpad ang aking mga paa-sa

Bagong dagat lupa na nga to

Makabagong lupang pangako


Tapos pag kakamalang ano akala mo sa akin, sa buhay pasarap lang

Walang problema't, bayaring utang sa akinse't katapusan

Pagkukulang sa pamilya'y pupunan ng salapi'y di sapat lang

Ibibigay lagi yung pinaka, sapagkat, pangalan ko yung nasa patlang

sabay may mag tatanong ng


Kumusta ka na, anong balita

Halik ka dito sakin lapit ng makita

Amoy ang takot, kaba at pang-hihina

Inggit, galit, lasa ng mapait na luha

Kumusta ka na, anong balita

May tira ka pa ba na maibababa

Pwes kung wala - akin na ang baraha

Kasamang kukunin kaluluwa't diwa


Pagod na pagod na pagod ka na ba

Yung tipong kada hinga

Laging buntong hininga

Kakahabol-bayad utang

Kaso kulang, utang pa

Kayod bente kwatro siete

Hangga't oras meron ka

Sa pag lakad ng mag isa

Nakayapak ang iyong mga paa

Sarili mo lang ang dala-dala

Punong-puno ka ng kaba

Sa madilim na kalsada'y

Walang pikitan ang mga mata

Makaka uwi ka pa ba

May bilang kada letra

Bawat berso at talata

Mga haligi at helera

Kumpleto lahat may tara

Binuo ko aking swerte

Di umasa sa pag asa

Pupunan lahat ng blank ko

BINGO pag tumama

Pero di ka mananalo

Kung hindi ka tataya

Walang itataya

Kung sa buhay nag pabaya

Wala akong hiya

Ay iba, sa walang hiya

Ang halaman ay biyaya

Handog satin ng may akda

Saliksikin mo muna boy

Bagong araling takda

Mga bara ko'y apoy

Naka sindi laging handa

Napapagod din ako

Dumadapa, walang wala

Subalit sa sundo "isa" sagot pag tinanong ng


Kumusta ka na, anong balita

Halik ka dito sakin lapit ng makita

Amoy ang takot, kaba at pang-hihina

Inggit, galit, lasa ng mapait na luha

Kumusta ka na, anong balita

May tira ka pa ba na maibababa

Pwes kung wala - akin na ang baraha

Kasamang kukunin kaluluwa't diwa


Si inay nag intay na ako'y makauwi

Umasa na yung baka naipag palit sa salapi

Kaso, nirolyo't pinaikot sinugal ko lang ulit

Taob sakin yang bangka

Pag dating ng alas diyis

Pasan ko aking krus ng mga pagkakamali

Hindi ko bibitawan kahit pa lakad tumabingi

Talo yung umaayaw titiisin ko yung hapdi

Tinagong maigi lungkot sa likod ng ngiti

Umasa na yung baka kapalit ay binhi

Tinaya ko lahat pati magkabilang binti

Sinagad ko yung dasal, sinikil ko yung hikbi

Nung Inalok ni kamatayan ng bigti

Sinagot ko ng "hindi"

Similar Songs

+

      -   or   -

      -   or   -

      NG +234

          Please Select A Playlist

          Add New Playlist

          Share on

          Embed: Love & Light EP

          Custom Size :

          • Default
          • Desktop(300*600)
          • Mobile(300*250)

          Type :

          • HTML/HTML5 (WordPress Supported)
          Get Boomplay Premium
          for
          Payment Method
          Pay With
            Review and pay
            Order Date
            Payment Method
            Due Today
            Flutterwave
              Subscription Successful

              Congratulations! You have successfully activated Boomplay 1 Month Premium.

              Now you have access to all the features of Boomplay App.
              Payment Failed

              Please check your balance and then try again.

              You'll lose your subscription if we don't have a working payment method for your account, so please check your payment details.
              Need help? Contact Boomplay Subscription Support.
              Payment Processing...
              10 s

              Payment is being processed by . Please wait while the order is being comfirmed.

              Payment Processing
              Your order is processing, and it may take up to a few days for the service provider to handle your payment. Please kindly stay tuned and check your order status in ‘User Center’.
              About Order Status