![MALAS](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/02/16/4f3ca87de1f446b794502c9fdc72456e_464_464.jpg)
MALAS Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2024
Lyrics
Titigil na sa laban
Magpapahinga na muna
Ang puso't isip ko'y pagod
Na magmahal nang 'di sinasagot
Ilang buwang umasa
Ang oras ko'y nasayang
Kung walang patutunguhan
Ba't ako nasaktan nang gan'tong lubos?
Ngunit hindi mo kasalanan
Na hindi mo naibalik
Ang pagmamahal, sanay na 'ko
Ibigay nang walang sukli
Ang buhay ko'y paikot-ikot
'Di ko maikubli
Bukas ay magmamahal muli
Ang malas ko naman
Ayoko muna sana
Magdagdag sa listahan
Ang puso't isip ko'y pagod
Na magmahal ng tunay at totoo
'Di na muna ipipilit
Baka mas lalong sumakit
Kung sa 'yo, 'di makakain
'Di kakayanin kung ito'y maulit
Ngunit hindi mo kasalanan
Na hindi mo naibalik
Ang pagmamahal, sanay na 'ko
Ibigay nang walang sukli
Ang buhay ko'y paikot-ikot
'Di ko maikubli
Bukas ay magmamahal muli
Ang malas ko naman
Akala ko'y ikaw na
Kapos kapalaran
Hahanap ng katulad
Ang malas ko naman
'Di ba ako nakulam?
Sawi kung magmahal
Sarili'y tatawanan
Hindi mo kasalanan
Na hindi ako inibig pabalik
At hindi mo kasalanan
Na ang puso ko'y nagluluha't sawi
Ang malas ko naman
Akala ko'y ikaw na
Kapos kapalaran
Hahanap ng katulad
Ang malas ko naman
'Di ba ako nakulam?
Sawi kung magmahal
Sarili'y tatawanan
Hindi mo kasalanan
Umiibig ka ng iba
Hindi mo kasalanan
Ako ngayo'y lumuluha
Hindi mo kasalanan
Ako ngayo'y nag-iisa
Hindi mo kasalanan
Ang malas ko
Ang malas ko naman
Hindi mo kasalanan
Umiibig ka ng iba
Hindi mo kasalanan
Ako ngayo'y lumuluha
Hindi mo kasalanan
Ako ngayo'y nag-iisa
Hindi mo kasalanan
Ang malas ko
Ang malas ko naman