Kulang (Music Video Version) Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2022
Lyrics
Sa buhay ko ako'y naghahanap
Nagtataka, nawawala
Hindi alam ang sasabihin
Hindi alam ang gagawin
Ako'y mananatili, mananahimik
Mahuhuli
Ako'y nagtatanong
Bumubulong
Na wala na, nung nawala ka
Sinubukan kong ika'y lapitan
Ika'y naging aking sandigan
Nagtapat ng nararamdaman
Kinalimutan ko ang iyong nakaraan
Ngunit ika'y nagbago
Sinabing kaibigan mo lang ako
Ako'y mananatili, mananahimik
Mahuhuli
Ako'y nagtatanong
Bumubulong
Na wala na, nung nawala ka
Sa buhay ko'y nagawa ko na ang lahat
Ngunit hindi parin sapat
May kulang pa ba? May kulang pa nga. Ano ang wala?
Ako'y mananatili, mananahimik
Mahuhuli
Ako'y nagtatanong
Bumubulong
Na wala na, nung nawala ka
Ako'y mananatili (Sa iyong tabi)
Mananahimik (Sa isang sulok)
Mahuhuli (Sa iyong puso)
Ako'y nagtatanong (Sa aking isip)
Bumubulong (Sa sarili)
Na wala na, nung nawala ka
Ngayon ika'y naglaho na
Aking sintang nagbago pa ang dating pagtingin na sa iba na nakatingin
Oh hanap-hanap ko pa rin ang iyong matang tumitingin
Akin noong napagaling
Sa pagmulat mo sa iba ka pa rin dumating
May kulang pa ba???