Gunita Lyrics
- Genre:R&B
- Year of Release:2022
Lyrics
Sinasariwa mga ala-ala ng ating nakaraan
Mga sandaling naghihintayan sa ating tagpuan
Ramdan ko parin ako tibok sayong dibdib
Mga panahong yakap pa kita ng mahigpit
Pilit inaaninag ang iyong mukhang saki'y lagi nakatitig
Kahit alam kong kailanma'y ika'y di na magbabalik
O kay sarap balikan ng ating mga gunita
Ngunit may kurot sa pusong di mawala wala wala
Sa tuwing maaalala mga sandaling ikay kasama
O bakit ang hirap tanggapin na sa mundong to
Ika'y lumisan na
Ramdam ko parin ang kirot saking dibdib
Mga huling salita mo'y sa aki'y di mawaglit
Ang tanging hiling
Kahit sa panaginip lang
Ika'y aking makapiling
O kay sarap balikan ng ating mga gunita
Ngunit may kurot sa pusong di mawala wala wala
Sa tuwing maaalala mga sandaling ikay kasama
O bakit ang hirap tanggapin na sa mundong to
Ika'y lumisan na