Bakit Ikaw Pa ft. Kent Pontivedra & Emerald Blake Lyrics
- Genre:World Music/Folklore
- Year of Release:2022
Lyrics
'Di ko malaman ang nararamdaman
Sadyang hindi ko maintindihan
Kung bakit sa araw ika'y nais makasama
At sa gabi ika'y naaalala
Minsan ko nang tinanong ang aking sarili
Posible pa ba akong magmahal muli?
At sa isang pagkakataon, dumating ka
Simula noon, mundo ko'y naging masaya
Bakit ikaw pa ang aking nagustuhan?
Bakit ikaw pa ang kinahumalingan?
Bakit ikaw ang nagpapasaya sa araw ko?
Bakit ang puso ko'y litong-lito?
Bakit ikaw pa?
Takot sa puso ko'y namamayani
Takot na baka ako'y muling maging sawi
Takot na baka ako'y tuluyang iwasan
Takot na baka ako'y iyong iwan
Sa puntong ito, nais kong malaman mo
Mahal na mahal kita, at iyon ay totoo
Bigyan mo lang ako ng pagkakataon
Ipaparamdam ko sa iyo sa habang panahon
Bakit ikaw pa ang aking nagustuhan?
Bakit ikaw pa ang kinahumalingan?
Bakit ikaw ang nagpapasaya sa araw ko?
Bakit ang puso ko'y litong-lito?
Bakit ikaw pa ang aking nagustuhan?
Bakit ikaw pa ang kinahumalingan?
Bakit ikaw ang nagpapasaya sa araw ko?
Bakit ang puso ko'y litong-lito?
Tanggapin mo naman sana
Ang pag-ibig ko'y sadyang mapagtiwala
Bakit ikaw pa
Ang aking nagustuhan?
Bakit ikaw ang nagpapasaya sa araw ko?
Bakit ang puso ko'y litong-lito?
Bakit ikaw pa?
Mahal ko