Kung Pwede Lang Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2022
Lyrics
Pag, kapag kausap kay nawawala
Nawawala sa titig ng iyong mga mata
Hindi ko nga alam kung bakit ba
Naramdaman mo ba ang puso ko
Malalaman mo ba na ikaw lang ang narito
Bat nga ba di masabi sa iyo
Na ikaw ang sinisinta
Pag ibig mo at wala ng iba
Hanggang kailan
Ibubulong sa hangin na ikaw
Ikaw lamang ang nais mahalin
Kung pwede lang ikaw ay mapasa'kin
Kung pwede ba
Sa bawat pagtibok nitong damdamin
Susungkitin ang langit pati na mga bituin
Walang hanggan ikaw ay iibigin
Kung papayagan mo ba
Na makasama ka magpakailanman
Hanggang pangarap lang ba
Na mapasakin ka
At ikaw lagi sa bawat araw
Kahit mga mata ay abot tanaw
Hanggang kailan
Ibubulong sa hangin na ikaw
Ikaw lamang ang nais mahalin
Kung pwede lang ikaw ay mapasa'kin
Kung pwede ba
Sa araw araw ay ikay hagkan
Pangarap man ako'y mananatili
Kahit ang oo mo'y di mapasakin
Kung pwede lang