Puhon Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2022
Lyrics
Maghihintay na lang,
At ako'y sasabay na lang
Sa daloy na dala
Nitong tadhana
Kahit hindi ko alam
Kung saan at kailan
Darating ang sandaling
Ako'y iyong mahalin
Ang pag-ibig na alay
Ay di mawawalay sa iyong gabi
At sa pagtulog asahang
Ako'y nagbabantay sa iyong tabi
Hayaan na natin
Ang sandali
Na magbigay gabay
Sa pag ibig na kaytagal
Nang hinihintay
At sa pagmulat sana
Sa bagong umaga
Ng iyong mata
Sana'y 'yong madama
Na ikaw lamang ang aking
Panalangin
Hayaan na natin
Ang sandali
Na magbigay gabay
Sa pag ibig na kaytagal
Nang hinihintay
At sa pagmulat sana
Sa bagong umaga
Ng iyong mata
Sana'y 'yong madama
Na ikaw lamang ang aking
Panalangin
At wag kang mag-alala
Ako ay maghihintay
Na ika'y makasama
Sa harap N'ya