Guro Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2021
Lyrics
Mula pagbasa at pagsulat
Hanggang matuto nang magbilang
Palagi niyong ginagabayan
Aming kamusmusan
Munti naming kaisipan
Unti-unting dinidiligan
Karunungang inyong binuksan
Hindi mapapantayan
Kaya naman ngayong araw na ito
Pasalamatan ang ating guro
Hindi matatawaran ang mga aral at sakripisyo nyo
Salamat sa inyo aming guro
Aming guro
Aming guro
Palagi niyong tinutugunan
Propesyon na sinumpaan
Ang bayan ay paglilingkuran
Kahit pa mahirapan
Tumatayong mga magulang
Habang kami'y nasa paaralan
Itinuwid ang kamalian
Hindi kami sinukuan
Kaya naman ngayong araw na ito
Pasalamatan ang ating guro
Hindi matatawaran ang mga aral at sakripisyo nyo
Kaya naman ngayong araw na ito
Pasalamatan ang ating guro
Hindi matatawaran ang mga aral at sakripisyo nyo
Salamat sa inyo aming guro
Aming guro
Aming guro