Kapit Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2021
Lyrics
Puso ko ay nasasaktan
Sa tuwing ika'y di mahagkan
Kailan kaya makakamtan
Ang daing ng puso kong luhaan
Gabi-gabi nag-hihintay
Sa pag-gising mo aking mahal
Ang pag-sikat ng iyong araw
Ay ang siyang pag-silip ng aking buwan
Oras nati'y di man nag-tutugma
Narito pa rin ako
Dahil di magtatagal
Tayo'y mag-tatagpo na rin
Mahahawakang mahigpit
Hinding hindi ka iiwan
Ako ay kakapit
Sa'yo ay kakapit
Mahirap man ating sitwasyon
Susubukin pa ng panahon
Tibayan lang ating loob
Maniwala tayong balang araw
Oras natin ay mag-tutugma rin
Basta't wag lang bibitaw
Dahil di mag-tatagal
Tayo'y mag-tatagpo na rin
Mahahawakang mahigpit
Hinding hindi ka iiwan
Sa'yo ang puso kong sabik
Sa bawat yakap mo't halik
Dito'y wala kang kapalit
Mahal ko, tayo ay kakapit
Ako ay kakapit sa'yo
Mag-bibilang ng araw hanggang sa makita ka
Mag-dadasal sa Diyos na sana'y ibigay
Ang hinahanap-hanap ng puso ko'y ikaw
Ang makayakap ka at mahagkan
Balang-araw ay mag-tatagpo rin
Kapit lang huwag bibitaw
Dahil di mag-tatagal
Tayo'y mag-tatagpo na rin
Mahahawakang mahigpit
Hinding hindi ka iiwan
Sa'yo ang puso kong sabik
Sa bawat yakap mo't halik
Dito'y wala kang kapalit
Mahal ko, tayo ay kakapit
Ako ay kakapit sa'yo