Ikaw at Ako Lyrics
- Genre:Soul
- Year of Release:2024
Lyrics
Ilang araw na rin na wala kang imik
At madalang na kong bumukas ang bibig
Ngunit ang pagtingin ko'y di nagbabago
Bilang sa'king daliri ang yong pagngiti
At mas madalas ka pa kung magsungit
Pero ang pagtingin ko'y di maglalaho
Nangakong kahit ano man ang mangyari
Nasa likod mo ko parati
At panghabangbuhay ito
Ikaw lang at ako
Makakaasa ka
Na sa aking puso
Ay nag-iisa
Wala mang sigurado
Ako'y nakahanda nang iparamdam sayo
Sa bawat na minuto na mahal kita
Sabik ako laging ikaw ay makita
Halik mo pampawi nitong panghihina
Bitamina ko'y ang yong mga ngiti sa tuwina
Pambihira, bibihira ko lamang tong maramdaman
Lahat gumagaan kaya
Pangakong kahit ano man ang mangyari
Nasa likod mo ko parati
At panghabangbuhay ito
Ikaw lang at ako
Makakaasa ka
Na sa aking puso
Ay nag-iisa
Wala mang sigurado
Ako'y nakahanda nang iparamdam sayo
Sa bawat na minuto na mahal kita