Ikaw At Ako Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2024
Lyrics
Sa paglisan ng kahapon
Darating din at aahon
Mga suliranin natin ay lilipas din pag gising
Sa pagmulat ng langit
Ay nag simulang aawit ang mga anghel sa ulap
Tinig ay hanggang himpapawid
Sa bugso ng gabi
Tumingin ka sa mga bituin
Sabay tayong managinip
Walang hahadlang sa atin
Dahil ikaw at ako'y pinagtagpo ng panahon
Laging ikaw at ako, magunaw man ang mundo
Dahil ikaw at ako'y pinagtagpo ng panahon
Laging ikaw at ako
Laging ikaw at ako
Kung may hiling man ako
Yun ay habang buhay kang kasama
Sa hirap at ginhawa
Umulan man o umaraw
Sa pag-puti ng buhok ko
Sumakit man ang kasu-kasuhan
Susuyuin at iibigin hanggang saking huling sandali
Mawala man ako, tandaan mong ako'y iyong kasama
Sa pagtulog mo'y kukumutan ng pagibig kong walang hangganan
Dahil ikaw at ako'y pinagtagpo ng panahon
Laging ikaw at ako, magunaw man ang mundo
Dahil ikaw at ako'y pinagtagpo ng panahon
Laging ikaw at ako
Laging ikaw at ako
Mawala man ang tingin
Sa liwanag at dilim
Hahanapin ka parin
Dahil ikaw at ako'y pinagtagpo ng panahon
Laging ikaw at ako, magunaw man ang mundo
Dahil ikaw at ako'y pinagtagpo ng panahon
Laging ikaw at ako
Laging ikaw at ako