Siyam na Buhay Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2023
Lyrics
Ito'y hindi plinano
Natagpuan na lamang ang sarili dito
Walang balak isekreto
Pero, Sarili ay handang magbago
Alam sa sariling may pagkukulang
Kaya hindi huminto sa sapat lang
Sakin ay walang lugar ang patlang
Magandang buhay sayo ilalaan
Sa buhay na pagdilat, ikaw ang bungad
Sa buong mundo'y ang sarap ilahad
Walang ibang hinahangad
Iyong buhay, maging ayos ng sagad
Kung siyam lang ang buhay
Walo sayo'y ibibigay
Sa una ay, tutuklasin
Maibigay sayo, buhay na di bitin
Walang piniling, ipamalas
Kagandahan ng puso'y kusang lumabas
Takbo ng isip ay lumabis ang talas
Ika'y hindi iiwan, ano man maging labas
Wala ng lugar ang isa pa
Mahihirapan lamang mamili kung dadami ka
Ikaw ay lagpas pa sa sobra
Sa aking buhay, kuntento na
Kung siyam lang ang buhay
Walo sayo'y ibibigay
Sa una ay, tutuklasin
Maibigay sayo buhay na di bitin
At kung umabot na sa huling yugto
Hindi mapapagod, hindi susuko
Hahanapin ka ulit sa susunod na buhay
Ninanais mong buhay, muling ibibigay
Kung siyam lang ang buhay
Walo sayo'y ibibigay
Sa una ay, tutuklasin
Maibigay sayo buhay na di bitin
Kung siyam lang ang buhay
Walo sayo'y ibibigay
Sa una ay, tutuklasin
Maibigay sayo buhay na di bitin
Ito'y hindi plinano
Natagpuan na lamang ang sarili dito