Loading...

Download
  • Genre:Hip Hop & Rap
  • Year of Release:2023

Lyrics

Magsulat, magbabad, magpamalas ng galing

Yumuko, gumitna, yan ang dapat kong gawin

Matakwil ang abusado kung kinakailangan

Mabait sa mabait pero kung susubukan?

Napupuno din ang balde, di ba ganyan din ako?

Tangina naman, nakita mo yung bagong ako?

Wala nang marijuana sa pyesa ko, natural, natural sinulat to

May suportang iba? iibahin? Sila daw ang nauna?

Gising, bangon, ganyan ka ba mangagat?

Dehins matatalo, magsama ka pa ng pangkat

Kasama si Santo, ganyan kami kabigat

Bago pa magka-edad, ipon na muna kahit bilad

Trinabaho, di ngumawa, gawa ng gawa, di dumada

Nagpakamamaw ng husto, akin na, akin na taon na to

Kung akala hihinto, di ako, di ako katulad mo

Di ako naglalaro, binuhos ko dito buhay ko


Hambog, sagad ang porma kapag sa syota, astig

Pag kaharap tropa? ginagawang beta, takits ang werpa, walang pangontra

Untouchable na astang mayor na

Galing sa selda, iba ibang maskara suot, parang Majora

Masamang bata, napaka gago, mabuting anak, nagpapaka santo

Mukhang sa buhay wala pa syang plano

Sadyang ang tingin pag lumakad, malayo kaya galit ang nalalampasan ko

Pag higante sa Industriya? 'di maiwasang maka tapak ng tao

Pamilya primero kahit apelyido neto'y 'di kapareho

Bakit? pag ibig, respeto, laging ine-echo

Love at first sight sa laro, pero nag cheat, sa kita nireto

At ang art, labasan ng libog, utak sa pera sinentro

Sa mga olats na bitter, kung ako'y opioid dealer, omerta

Wala kang mapapakanta saking tropa, 'lang singer

Santo, isang leader, okay lang pusta sa kontra

Sanay i-underestimate, hanggang sa tawagin na overachiever


Para bang leader ng isang mafia kung ako'y umasta

Barubal ugali, balagbag ang kilos, wag umasang maka-isa

Puro galit lang at poot ang makikita mo sa mata

Sa dami ng singko, sinto sinto na ang tingin sakin ng iba

Ang dami kong singko, di sa bulsa kundi sa eskwelahan

Wala daw respeto pati prinsipyo sa kung kanino man

Galit sa mundo o kaya blacksheep kung kanilang babansagan

Wala daw plano na umasenso kase nga walang pakialam

Pagmamahal pati respeto

Sa pamilya lang inalay pero pag iba kaharap ay gago, barumbadong tao

Nuno ng tarantado, sakin, di na bagong

Tawaging sutil ng tao, at pati narin "walang pinagbago"

Buti may Santo, leader na masusundan ko

Gabay ko sa mga tula ko, pati narin sa mga plano

Ko sa buhay at negosyo, utak ko sa pera sinentro

At ang pamilya primero, balang araw uupo din sa trono


Masamang tao, mabuting anak, huli ka na, huhuni ka pa? ako'y

Itinuring puti na uwak, itim na tupa sa paningin na bulag

Hindi naging huwad na manunulat, bawat sapak ay sapat sapagkat

Sa lapag ka na mapapadpad kapagka lapat ng mga banat na, pare, basag

Na ang 'yong mukha saking pagtula, malamang para di ka pamarisan

Bawat pagdura ng bara, mala paulan ng bala, para kang nakikipagbarilan sa Basilan

Kase, baka naman, talagang pandiinan, mga katagang matalas, madali lang

Pataliman ba ng rima? mga linyang humihiwa, ay minamani lang

Di na ba mabilang mga tintang nasayang para may madaling mabato?

Alam ko naman na magaling ka na, bro, ang kaso nga lang, pare ko, mas magaling lang ako

Kaya tigil na ang hidwaan at wag na mang hate pa

Walang pake sa new school and old school, sobra kong advance, ako'y graduate na

Para makisali sa bangayan, kase pare, para san?

Eh sa daming nakawang nangyayare, uunahin pa ba yan?

Tae, yung Sierra Madre, dinadale nanaman ng mga ganid pa sa ganid

Malamang sa malamang, eh sa makalawa na pag ulan, ay bahain na ang bansa na mas grabe pa sa Cagayan


Papunta na sa taas, tara, sasama ka?

Kunin natin para satin at sagaran na

Sige, lakaran na, agaran na, mga dipa laparan na

Yakapin ang pangarap, mga harang ay apakan na

Tapakan di makita, o sige at mangapa ka na

Alam mo yan, gagana mga balak, mga pakana

Tanim lang ng mabuti, lupa lagyan na ng pataba

Hilig sa gulay, minsan sa karne, o minsan pata pa

Paulit ulit lang ang araw mo, di ka nadadala

May mga bagay na nagagawa, walang napapala

Bakit sya umangat? tanong mo, di ka ba nagtataka?

Sikreto ay kilusan na daanin sa pagtyatyaga


Nasanay na mangbarubal sa teritoryo, kahit masukal

Mala demonyo pag nagpatunay, labas dalawang sungay

Mahusay nga sa mithiin pero pili din ang kakabigin

Ay kakabitin nga lang pag hindi ko na matigil ang panggigigil

Dala ang prinsipyo dahil isinasapuso

Kahit pansin mo ang mga singko, di ko aalisin to

May pagmamahal naman kahit hindi ko na nga bilang

Aking maling ginagawa, para sa pang sarili lang

Sadyang matigas ulo pero sumasaklolo

Pag kailangan mo ng tulong ako palagi ang nandito

Ganto ang piniling buhay, kulang man to sa patnubay

Kung tunay na kulay ang usapan, dyan ako mahusay

Kakabagin sa biro, madalas, hindi to seryoso

Kakabahagi ng mga kwentong panay pahaging lamang ang tempo pero

Kung susubukan seryoso na usapan

Di na kailangan pa pagtalunan anong ugali ang papanigan


Nakatitig na nga ang demonyo, palihim ang bulong sa sulok ng kwarto

Gulo ang isip hanggang alas kwatro, nagising ang diwa ng mga engkanto

Aking nakita sarili sa gitna at pagitan

Ng pagpili: pamilya o ng kaibigan? Hindi alam kung sino ang papanigan

Kahihiyan ang aking kinalakihan, ang

Daming bumoses, pasok saking tenga pero nilabas ko din kagad sa kanan

"Be on repeat" lang ang aking kinasanayan

Barubal ako sa labas ng tahanan pero alam kong isa lang ang uuwian

Hoy, hoy, bata? Anong oras ka na umuwi?

Pasensya na po, inay, medyo nadale kaya, eto, medyo huli

Alam ko po, itay, na medyo nawawalan ka na sakin ng pake

Pero salamat sa paggabay sakin hanggang sa ako ngayon lumaki

Masyado akong nahumaling at ibinaling ko na lang sa ilusyon

Ang atensyon nagbigay sakin ng sandamakmak na leksyon

Ang pagkakamaling nagbigay sakin ng libre na edukasyon

Mahal ko kayong pamilya kaya pasensya na sa mga altapresyon


Ang daming nagsabi, baguhin ko daw ang estilo

Para sakin, di bale, di ko ibebenta aking prinsipyo

Ang daming nasabit, di pa mangawit, trapik ka dito

Wag ka na magpaliwanag, baka lumabas pa ang aking anino

Dyos ama ko Santo sa ngalan ng lirisismo

At to na ba ang hilom sa sugat na tinitiis ko?

Di man kita napangiti, pero napailing, bibig mo napangiwi ko

Naging atraksyon sa lalim, akala mo isla ng Kalibo

Kung beat ang sumasalba sayong musika

O weed ang nagdadala sayong pussy ka

Kung trip pag gantong bagsakan at mabuti pa't

Sa feed ng iba, bakit lakas mo mam-bully, ha?

Skill set ko, aminin mo na dream set mo

Wag kang inaso, hindi ko trip maging vet mo

Utak ko, nag overclock, minsan maling tempo

Kapag bumangga, dapat suot mo seatbelt mo


Sa kalaban ng sistemang mapanakop ay isa ko

Aminadong di payag tong alipinin

Buhay, sinusulit, baka hindi na maulit

Sayang doobie, alak, pussyng napakalupit sa kama

Saking passion at pinasok na eksena, boy

At obligasyong inako sa pamilya, boy

Lahat yun parte lamang ng rason

Bakit di pako handa na gawing tao ang semilya

Laglag sa lapag kahit naghihikahos ay

Lakad, hakbang, palaging nakakatayo

At nakangarat palagi ako sayo, bakit?

Kase nga sa limang supling, ako ang gitnang anak, yup, hinlalato

Kupal na kahit nung may kupal pa, dating

Tumutungga ng bunso, 'gang mag umaga habang

Tong kuya ko ay kukuyakuyakoy lang

Alam mo ba mas ako pa yung panganay kung umasta? Good son

+

      -   or   -

      -   or   -

      NG +234

          Please Select A Playlist

          Add New Playlist

          Share on

          Embed: Love & Light EP

          Custom Size :

          • Default
          • Desktop(300*600)
          • Mobile(300*250)

          Type :

          • HTML/HTML5 (WordPress Supported)
          Get Boomplay Premium
          for
          Payment Method
          Pay With
            Review and pay
            Order Date
            Payment Method
            Due Today
            Flutterwave
              Subscription Successful

              Congratulations! You have successfully activated Boomplay 1 Month Premium.

              Now you have access to all the features of Boomplay App.
              Payment Failed

              Please check your balance and then try again.

              You'll lose your subscription if we don't have a working payment method for your account, so please check your payment details.
              Need help? Contact Boomplay Subscription Support.
              Payment Processing...
              10 s

              Payment is being processed by . Please wait while the order is being comfirmed.

              Payment Processing
              Your order is processing, and it may take up to a few days for the service provider to handle your payment. Please kindly stay tuned and check your order status in ‘User Center’.
              About Order Status