K4ND1L4 Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2023
Lyrics
Sana ay okay ka
Maulap na mga mata
'Wag mabahala sa pag-iisa
Lahat ay pansamantala
Tulad ng kandila
Magliwanag ka hanggang mawala
Sana ay okay ka
Tahimik na pakikibaka
Minsan sawa ka na
Pikit sabay hinga
Mga nangyari ay nangyari na
Tulad ng kandila
Magliwanag ka hanggang mawala
Ang diwang nagbabaga
'Wag pigilan, patak ng luha
Diwang nagbabaga
Magliwanag ka hanggang mawala
Sana ay okay ka
Maulap na mga mata
Kung 'di na kaya, 'wag ikaila
Palayain ang nadarama
Tulad ng kandila
Magliwanag ka hanggang mawala
Ang diwang nagbabaga
'Wag pigilan, patak ng luha
Diwang nagbabaga
Magliwanag ka hanggang mawala ang lahat