HAMON Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2023
Lyrics
Sa bawat araw na ibinigay sa akin ng dios
Akoy nagpapasalamat sa kanya ng lubos
At sa lahat ng aking pagkabigo't tagumpay
Ay syang nagpapabagsik sa aking buhay
Natural ang pagsubok ay dumarating
Dito mo masusukat ang iyong galing
At ang lahat ng iyong unos at iyong problema
Ay di ibibigay sayo kung di mo kaya
Di ka nila titigalang susubukan
Ikay kanilang hahamunin ng harap harapan
May mga taong maiitim ang budhi
sila ang iyong makakalaban at makatunggali
Sa isang laban o paligsahan
Nakasulat sa listahan ang iyong pangalan
Ngunit di mo ito papatulan
Pagkat ito'y isang larong utak-walang laman
Huwag kang bumigay
Sa mga hamon at bagyo ng buhay
Isipin mong ika'y isang bato
Di ka matitibag ng kahit na sino
Kasing tigas ka ng isang bato
Di ka matitibag ng kahit na sino
Ika'y binansagang totoy bato
Dahil na nga sayong pagsusumamo
Na abutin ang iyong minimithi
Ngunit ika'y palagi ding nabibitin