Naranasan Lyrics
- Genre:World Music/Folklore
- Year of Release:2023
Lyrics
Di ka man lang nagpaalam
Nang ako'y iyong nilayuan
Kung yan ang ninais mo
Anong magagawa ko
Sarili mo'y iyo
Hmmm
Dala mo'ng lahat ang iyong damit
Iniwan mo pa ang iyong galit
Ako'y kaawa-awa
Ngunit wala akong magagawa
Itong aking naranasan
Kay hirap malimutan
Mga pangyayaring
'Di inaasahan
Itong aking naranasan
Bakit pa 'to dumaan
Sa aking buhay
Ang sakit nga naman
Hmmm
Wala nga namang magagawa
Kapag ang puso moy naluluha
Ang malas nga naman
Kapag ito ay dumaan
Walang matatakbuhan
Itong aking naranasan
Kay hirap malimutan
Mga pangyayaring
'Di inaasahan
Itong aking naranasan
Bakit pa 'to dumaan
Sa aking buhay
Ang sakit nga naman
Itong aking naranasan
Bakit pa 'to dumaan
Sa aking buhay
Ang sakit nga naman