LUV DRUG ft. Eros Tongco Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2023
Lyrics
LUV DRUG ft. Eros Tongco - gins&melodies
...
......................oh ohh yeaaaaah Pinaikot, nilaro, pinaalis
Man ako pero kapag ikaw 'yung nangangailangan
Ako naman 'tong hindi ka matiis
Kung paano mo hawakan, gano'n din ako bitawan
Bakit ka naman masyado mabilis?
Sana 'di na lang kita na nakilala
Kasi tila 'di makahinga 'pag ika'y nami-miss ko
Tangina kakainis
Anong 'kala wala lang?
Mahal mo 'ko pero para kang kalaban
Ilang beses na kitang tinatawagan
Parang ako pa 'yung merong kasalanan
Kung pa'no mo 'ko binabalewala lang
Oh, teka lang hindi ako basahan
Pero parang ilang libong tinapakan
Nung iniwan mo ni hindi ka nagpaalam
Kulang na lang na ako ay 'yong tawanan
Teka muna, ilang araw gising 'gang ala-una
Pa'no mo natiis 'to mula una
At kaya 'yung sakit mas lumago pa
Ba't ang duga mo naman? Alam mo ba 'yung pinasan ko?
Napalambot mo kahit tinigasan ko
Porket alam mo lahat natapatan mo
Ikaw naman 'yung nagmumukha na gago, oh (Oh-oh)