Himig ng Lahi Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2023
Lyrics
Nakikita ko mula sa iyong mata
Ang liwanag ng bagong umaga
Kaya't kukunin ko mula sa langit
Ang dalangin kong kalakasan
Itayo at iangat
Ang bandila ng lahing pinagmulan
Huwag mong tatalikuran
Ang bayan mong sinilangan
Burahin sa isipan
Pagdududa mo't pag-alinlangan
Harapin mo nang buong tapang
Isabay sa tunog ng mga gitara
Sumigaw umawit magwala
Nakikita ko mula sa iyong mata
Ang liwanag ng bagong umaga
Kaya't kukunin ko mula sa langit
Ang dalangin kong kalakasan
Hindi magtatagal
Ang umaga'y muling masisilayan
Hindi magtatagal, hindi magtatagal
Lungkot sa iyong mga mata
Di maglalaon ay mawawala
Dinggin ang aking sasabihin
Sasabihin ko'y iukit mo sa isipan at sa iyong puso
Nakikita ko mula sa iyong mata
Ang liwanag ng bagong umaga
Kaya't kukunin ko mula sa langit
Ang dalangin kong kalakasan
Nakikita ko mula sa iyong mata
Ang liwanag ng bagong umaga
Kaya't kukunin ko mula sa langit
Ang dalangin kong kalakasan
Nakikita ko, nakikita ko, nakikita ko
Kaya't iukit mo, iukit mo, iukit mo