Sa Iyo Tatay Lyrics
- Genre:Folk
- Year of Release:2023
Lyrics
Sa mahabang panahon ika'y nagpagal
Hirap ng buhay iyong dinanas
Para sa pamilya ginhawa'y maibigay
Maayos na buhay, pangarap mong tunay
Salamat Kay Hesus ika'y Kanyang natagpuan
Buhay na inilagi sa Kanya inilaan
Malungkot man ang iyong paglisan
Tuwa't saya naman sa langit nakamtan
Sipag at tiyaga naging puhunan
Mula sa lupang iyong pinagyaman
Mga pagsisikap mo'y di nawalang kabuluhan
'Pagkat naging bunga, magandang kinabukasan
Salamat Kay Hesus ika'y Kanyang natagpuan
Buhay na inilagi sa Kanya inilaan
Malungkot man ang iyong paglisan
Tuwa't saya naman sa langit nakamtan
Sa iyo Tatay na ulirang tunay
Aming pagmamahal sayo ay alay
Mga alaala mo'y mananatiling buhay
Sa puso't isipan namin ito'y laging taglay
Sa puso't isipan namin ito'y laging taglay
Salamat kay Hesus ika'y Kanyang natagpuan
Buhay na inilagi sa Kanya inilaan
Malungkot man ang iyong paglisan
Tuwa't saya naman
Tuwa't saya naman
Salamat Kay Hesus ika'y Kanyang natagpuan
Buhay na inilagi sa Kanya inilaan
Malungkot man ang iyong paglisan
Tuwa't saya naman
Tuwa't saya naman
Tuwa't saya naman sa langit nakamtan