Sa Huli Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2023
Lyrics
Hindi mo naman ako kailangan
Hindi mo naman sinasadya
Klaro namang ika'y napilitan
Sa nagmakaawa kong mata
Hindi rin naman kita pinilit
Hindi rin naman kita hinayaang lumayo
Ngunit sa huli ika'y tumatakbo - palayo
At sa huli ika'y nagtataka
Ba't pa napagbigyan ng pagkakataon?
Dahil sa huli ikaw ay nauntog, sabay layo
Dahil sa huli
Hanggang sa huli
Ako'y tinapon
Wala ka namang pinagbasihan
Wala ka namang mapapala
Klaro namang ika'y nabigla; binigla
Wala kang nagawa nung tuluyan akong lumuha
Wala rin naman saking problema
Wala rin naman na higit pang mawawala
Ngunit sa huli ika'y tumatakbo - palayo
At sa huli ika'y nagtataka
Ba't pa napagbigyan ng pagkakataon?
Dahil sa huli ikaw ay nauntog, sabay layo
Dahil sa huli
Hanggang sa huli
Ako'y tinapon
Kung may pagagawa ka muna
Para sa akin
Ay pwede kang lumapit
Nang sa huli
Paalam ay namnamin
Ngunit sa huli ika'y tumatakbo - palayo
At sa huli ika'y nagtataka
Ba't pa napagbigyan ng pagkakataon?
Dahil sa huli ikaw ay nauntog, sabay layo
Dahil sa huli
Hanggang sa huli
Ako'y tinapon