Nebula Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2023
Lyrics
Sa dami ng lalaki na sa'yo nakapalibot
Ako ang iyong nakita at lahat sila nilimot
Di lubos akalain sa taglay mo na ganda
Sa akin ka sumama at piniling sumaya
At ang sabi mo sa akin ay iba ka
Ayaw mo sa mga panandaliang saya
Di na ako nagulat nung masdan ka sa mata
Kitang-kita mga karanasan mo sa kanila
Mga basic na lalaki ang sabi mo
Puro lang pangako gang makuha na nila
Hangarin ay ma-kama at hindi ang sumaya
Pagka-gising sa umaga ay biglang mawawala
Kaya sa'kin maniwala, kaya kong panindigan
Kung ano aking pangako, kaya ko ding higitan
Basta di ka magbabago sa oras ng gipitan
Di mo ako iiwanan matapos pagsilbihan
Sabay nating kuhain ang kung ano ang para satin
At wag magpaapekto sa mga sinasabi nila
Ikaw at ako lamang ang tangi na mahalaga
Kung subukin oh harangan yeah
Ay handang handang labanan yeah
Handang bumunot 'to ng bakal para ikaw ay paglaban
Di magdadalawang isip kung iyon ang kinakailangan
Sabay naten libutin ang mundo oh
Nasa taas man o baba ng gulong ang
Buhay nating dalawa pangakong di mawawala
Magkaagapay sa problema na dala
Sabay naten libutin ang mundo oh
Nasa taas man o baba ng gulong ang
Buhay nating dalawa pangakong di mawawala
Magkaagapay sa problema na dala
'Cause baby I'm a thug and I'm reckless
I'll do anything for you 'til I'm breathless
Ibibigay sayo lahat walang pake kung mamahalin
Ayan ang kapalit ng tiwalang bigay mo sakin
Ride or die ka sakin, never ever ka nag-switch
Subukan lang harangan, we gon' kill 'em mga bitch
Puputok ka sa tabi ko, di uso tumakbo satin
Pagbulusok sa taas, ikaw kasama, papalarin
Yeah, yeah, yeah
Salamat sa tiwala mo sa akin
Na binigay, hinding-hindi ko sasayangin
Ikaw ang sinagot ng itaas sa panalangin
Ang ilaw ng tahanan na sagot ng aming Ama Namin
Yeah, yeah, yeah
Di ko hahayaang mawala pa
Sa pagtanda ikaw ang gusto makasama
Libutin naten ang mundo ng malaya
Walang pagsubok ang di naten makakaya
Sana sa'kin lagi maligaya
Binigyan mo ng pag-asa at sa'kin nagtiwala ka
Sana wag ka mawalan ng gana
Kung may mali ay itama, at wag bumitaw at iwan pa