![Salmo ft. Regin Ricio, Meisters Chorale & Kenosis Chorale](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/02/29/02612223e6264b9fbde82658f6a8ad9e_464_464.jpg)
Salmo ft. Regin Ricio, Meisters Chorale & Kenosis Chorale Lyrics
- Genre:Gospel
- Year of Release:2019
Lyrics
Pastol ko'y Panginoong Diyos
Hindi ako magdarahop
Panginoo'y aking Pastol, hindi ako magkukulang
Ako'y pinahihimlay sa mainam na pastulan
At inaakay niya ako sa tahimik na batisan
Binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan
Pastol ko'y Panginoong Diyos
Hindi ako magdarahop
At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan
Sa matuwid na landasi'y doon ako inaakay
Kahit na ang daang iyo'y tumatahak sa karimlan
Hindi ako matatakot pagkat ika'y kaagapay
Ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang
Pastol ko'y Panginoong Diyos
Hindi ako magdarahop
Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang
Ito'y iyong ginagawang nakikita ng kaaway
Nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan
At pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw
Pastol ko'y Panginoong Diyos
Hindi ako magdarahop
Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan
Sasaaki't tataglayin habang ako'y nabubuhay
Doon ako sa templo mo lalagi at mananahan
Pastol ko'y Panginoong Diyos
Hindi ako magdarahop
Pastol ko'y Panginoong Diyos
Hindi ako magdarahop