Ang Halaga Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2022
Lyrics
Mahalagang bawat sandali
Punuin natin ng pagibig
Kapag ikaw ay ngumingiti
Tumatamis itong daigdig
Ang halik sa pinagpala
At yakap na wag kang mag-alala
May gabay at pagtitiwala
Magpapatibay sa ating dalawa
Ikaw ang kaligayahan
Lakas na pinaghuhugutan
Buong buhay iingatan
pagmamahalang walang hanggan
Kaysarap ng bawat lambing
duyan ng kaginhawaan
Napapayapa sayong piling
Makulay na makahulugan
Isisigaw ko ang ibig sabihin
Mga larawan ng aking damdamin
Isisigaw ko Isisigaw ko
Mga larawan ng aking damdamin