Tuloy sa pangarap Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2022
Lyrics
Hindi madali ang daan patungo sayong mga pangarap
Hindi mabilis marating tagumpay na hinahanap
Minsan madadapa, matutumba
Luluha, masasaktan, mawawalan ng pag-asa
Pero lagi mong tatandaan
Na lahat ng bagay ay pinaghihirapan
Kaya tuloy, tuloy, tuloy
Wag kang hihinto sa paglangoy
Sin laki man ng dagat ang pangarap mo'y wag kang matakot ituloy
Pag-alabin mo gaya ng apoy damdaming nangangarap sige tuloy
Magtiwala kang posible ang lahat basta tuloy-tuloy
Tuloy-tuloy wag matakot
Tuloy-tuloy wag mapagod
Tuloy-tuloy sa pagkayod
Pangarap mo'y maaabot
Maraming pagsubok sa pag-abot ng iyong mga pangarap
Maraming pipigil makuha bunga ng iyong pagsisikap
Minsan madadapa, matutumba
Luluha, masasaktan, mawawalan ng pag-asa
Pero lagi mong tatandaan
Na kung di mo susubukan pano mo malalaman
Kaya tuloy, tuloy, tuloy
Wag kang hihinto sa paglangoy
Sin laki man ng dagat ang pangarap mo'y wag kang matakot ituloy
Pag-alabin mo gaya ng apoy damdaming nangangarap sige tuloy
Magtiwala kang posible ang lahat